Sumasampalataya - Tagalog Prayer Guide
Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat,
na may gawa ng langit at lupa.
Sumasampalataya naman ako kay jesukristo,
iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat.
Nagkatawang tao sya, lalang ng Espirito Santo,
ipinanganak ni Santa Mariang Birhen.
Pinagpakasakit ni Poncio Pilato, ipinako sa krus, namatay,inilibing.
Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao,
nang may ikatlong araw, nabuhay na mag-uli.
Umakyat sa langit, naluluklok sa kanan ng Diyos Amang makapangyarihan sa lahat.
Doon magmumulang paririto't maghuhukom sa nangabubuhay at nangamatay na tao.
Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espirito Santo,
sa Banal na Simbahang Katolika,
sa kasamahan ng mga banal, sa kapatawaran ng mga kasalanan,
sa pagkabuhay na mag-uli ng nangamatay na tao,
at sa buhay na walang hanggan.
Amen.
Comments